ANG pinakalitaw na ekspresyon ng mga nagtutunggaliang interes sa lipunang Pilipino ay makikita sa entabladong pampulitika. Ngunit ang motibong pwersang nagpapaandar at nagpapaigting nito ay nasa larangang pang-ekonomya, nasa magkakaiba at magkakabanggang paraan ng ikabubuhay ng mga grupo ng tao sa lipunan. Ito ang tinatawag nating “tunggalian ng uri”.
Sa ibang salita, nagkakaroon ng mga kiskisan kung paano pangangasiwaan at kung sino sa mga paksyon ng naghaharing uri ang mangangasiwa sa lipunan dahil nagtutunggalian ang mga paraan kung paano nabubuhay ang mga tao (at klase o uri ng tao) sa lipunan.
Sa Programa ng PMP, tinukoy ang mga uri sa lipunang Pilipino, na ang deskripsyon ay isang atrasadong kapitalistang lipunan. Sipiin natin ang (15) at (16) sa seksyong “Ang Rebolusyong Pilipino ang Tuluy-tuloy na rebolusyon”:
“15. Ang mayorya ng lipunang Pilipino ay ang uring manggagawa na sumasaklaw maging ang malaking bilang ng malaproletaryado. Kahit nananatiling minorya ang manggagawa sa industriya bilang sulong na seksyon ng uring manggagawa, ang mayorya sa kanayunan ay mga manggagawang bukid at ang mayorya sa kalunsuran ay ang mga manggagawa sa serbisyo na kapwa pangunahing nabubuhay sa pagpapaupa ng lakas-paggawa. Ang proletaryanisasyon ng lipunang Pilipino ay resulta ng ebolusyonaryong pag-unlad ng kapitalismo sa industrya, agrikultura, at komersyo ng bansa at patuloy na paglaganap at paglala ng kahirapan sa buong lipunan. Pinagdurusahan ng manggagawang Pilipino sa lungsod at kanayunan ang matinding pang-aapi at pagsasamantalang tatak ng isang matagal nang bansot na sistemang nasa makupad na kapitalistang ebolusyon at nakapailalim sa magkasanib na kapitalista, imperyalista at pyudal na porma ng paghahari at nagbubunga ng depormadong burges na demokrasya. Pero atrasado man ang ekonomya ng bansa kumpara sa industriyalisadong mga bansa, malinaw ang kapitalistang karakter at proseso ng pang-ekonomyang pag-unlad at mapagpasyang dominasyon ng pwersang kapital – lokal at dayuhan – sa buhay ng lipunan”.
“16. Ang naghaharing estado ay isang burges na estadong kontrolado ng malaking burgesya at naghahari sa burges na paraan. Kasabwat nito sa paghahari ang luma’t dating malalaking asenderong dumaan na din sa kapitalistang ebolusyon. Ang luma’t bagong mga panginoong maylupa, kasama ng mga komersyante, ang bumubuo sa mga dominanteng pwersa sa kanayunan at kumakatawan sa pinakareaksyonaryong interes sa pulitika sa bansa”. (atin ang mga diin)
Sinipi natin ang seksyon na ito ng Programa ng PMP para ipakita ang magkakaibang kampo ng naghaharing uri sa bansa. Ang lokal na burgesya ay nahahati sa (a) Filipino-Chinese taipan – mga industriyalistang gaya ni Lucio Tan at Gokongwei na mula sa pagmamanupaktura, at mga komersyante tulad ni Henry Sy, na parehong sumaklaw na sa pinansya at malawakang pagmamay-ari ng lupa sa eryang urban; (b) mga asenderong dumaan na sa kapitalistang ebolusyon at naging bangkero bago sumaklaw sa iba pang mga negosyo gaya ni Zobel at Ayala; (k) at mga dinastiya’t warlord sa kanayunan na mas nakasanayang maghari sa pyudal na paraan (pulitikal at marahas, imbes na pang-ekonomiko) gaya ng mga pamilya nina Singson, Marcos, Durano, atbp., at mga burukratang may kontrol sa komersyo sa kanilang teritoryo tulad ng mga Arroyo at mga Duterte. Magkakaribal man sa pulitika at negosyo, may komon silang katangian bilang tagapagtaguyod ng interes ng dayuhang monopolyo sa pagdudugtong ng Pilipinas sa pandaigdigang ekonomya, sa paniniwalang ito ang landas ng pag-unlad ng ating bansa at sa interes na magkamal ng ibayong tubo.
Dumaan din sa ebolusyon ang paraan ng burges na paghahari sa bansa.
Sa ating pinakanakaraang kasaysayan ay tatlo: (a) ang diktadurang Marcos – na tila isang konstitusyunal na monarkiya sa paghahari ng isang pamilya sa Pilipinas kasabay ng pag-iral ng 1973 Constitution ngunit bumagsak sa pag-aari’t kapangyarihan ng ilang mga panginoong maylupa na dating mas dominante sa pulitika gaya ng mga Lopez. Ibinagsak ito ng popular na pag-aalsa noong Edsa 1986; (b) ang panunumbalik ng elitistang demokrasya na umiral kasabay ng pagrerestruktura ng mga ekonomya sa daigdig alinsunod sa neoliberal na doktrina ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon, at pleksibilisasyon sa paggawa; (k) at ang pagkapangulo ni Duterte na umangkas sa disgusto at dismaya ng masa sa paghahari ng tinaguriang “Dilawan” at “oligarkiya” sa pamamagitan ng islogang “Change is coming”; ito ang rehimeng nagpapatuloy lamang sa pang-ekonomikong mga polisiya’t patakaran ng nakaraang mga administrasyon ngunit naiiba sa pagsusulong ng pederal na porma ng pagugubyerno at sa lantarang mga hakbang para manumbalik ang pasista at absolutistang porma ng pangangasiwa ng estadong burges, at nagsisilbi sa interes ng mga naghaharing uri sa kanayunan. Ito ang mga pwersang nasa likod ng binabalak na Cha-cha at pederalismo.#

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento