ISANG libong pisong badyet ng isang ahensya sa isang taon! Ito ang napagkaisahan ng mayorya ng mga kongresista sa tatlong ahensyang pinag-iinitan nila dahil hindi naman daw “ginagawa ang kanilang trabaho”. Ito ay ang Commission on Human Rights (CHR), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at ang Energy Regulatory Commission (ERC).
Sa ganitong klaseng badyet, tila nilusaw ng Batasan ang naturang mga ahensya. Nagitla ang marami. Laluna ang pambubusabos sa CHR, na dumudulog sa mga reklamo ng taumbayan sa pang-aabuso sa mga karapatang pantao ng mga opisyal at kawani ng gobyerno, laluna ng mga pulis na binabatikos ngayon dahil sa Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel. Anila, ang karapatang pantao ng isangdaang milyong Pilipino ay nagkakahalaga lamang ng isang libong piso!
Naunsyami man ang marami sa de facto na paglusaw sa CHR dahil sa pagpapahina sa ahensyang maaring magtanggol sa taumbayan sa mga sistemang paglabag sa karapatang pantao, partikular sa “War on Drugs” na nag-aanyo na bilang “War on the Poor”, ang mas nakababahala – at ito ang tindig ng karamihan sa tinaguriang “human rights community”, ay ang walang kaabog-abog na panggigipit sa karapatang pantao, isang panibagong pasistang atake ng isang pangulong aminadong tagahanga ng diktador na si Marcos.
Matapos uminit ang isyu, umatras sa plenaryo ang mayorya ng mga kongresista. Binigyan ng P508.7 milyon ang CHR, na mas mababa sa hinihingi nitong P600 milyon sa taong 2018. Agad namang nagpasalamat si Chito Gascon, komisyoner ng naturang ahensya at kilala bilang alyado ng mga pwersang Dilaw, sa mga mambabatas dahil sa kanilang “bukas ng puso’t isipan”.
Ganunpaman, hindi dapat magpasalamat dito ang mga manggagawa’t mamamayan. Dahil ang insidenteng ito ay nagpapatunay sa kabulukan ng burges na parlyamento at sa pangangailangang ibagsak ito para palitan ng kapulungan ng mga tunay na kinatawan ng mayorya ng taumbayan.
Bulok na Kapulungan
ng mga Tuta ni Duterte
Ang kasalukuyang kongreso ay kapulungan ng mga tuta ni Duterte. Ang naghahari dito ay ang “supermajority”, isang alyansa ng PDP-Laban (ang partido ni Duterte), at ng Lakas-CMD, ang Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco, ang Nacionalista Party (NP) ni Manny Villar, ang National Unity Party (NUP) ni Gloria Arroyo, at mga koalisyon ng mga party-list.
Kakaiba din ang nagawa ng PDP-Laban, dati itong may tatlong mambabatas lamang: si House Speaker Pantaleon Alvarez ng Davao del Norte, si Cong. Jun Papandayan ng 2nd district Lanao del Sur, at Cong. Erik Martinez ng Valenzuela City. Ngunit ngayo’y bumibilang na ito ng 124 mula sa 294 na mambabatas sa mababang kapulungan.
Ang minorya naman ay pinamumunuan ni Cong. Danilo Suarez bilang Minority Floor Leader, na kilalang tau-tauhan ni GMA. Mula siya sa partido Lakas, na kasapi rin ng “supermajority”.
Dahil dito, ang parehong “mayorya” at “minorya”, na sinusukat kung sino ang binotong Speaker of the House, ay parehong kontrolado ng Malakanyang. Wala ng totoong grupo ang oposisyon – kahit pakitang tao lamang.
Kaya’t sa lahat ng mga kontrobersyal na batas dahil sa malinaw na epekto sa kabuhayan at karapatan ng mga mahihirap, sumasagasa ang “supermajority” sa Lower House. Ilan dito ay ang sumusunod:
Tax Reform for Acceleration and Inclusion (HB4774), na magtataas sa presyo ng mga bilihin dahil sa excise tax sa produktong petrolyo at sugar sweetened beverages.
Death Penalty for Drug Convicts (HB4727), na maipapataw lamang sa mga mahihirap na nasasangkot sa iligal na droga, hindi sa mga big-time pusher at manufacturer nito.
Compressed Workweek (HB6152), na magdudulot na paghaba ng pagtatrabaho ng mga empleyado sa isang araw nang walang binabayarang obertaym.
Resolusyon para sa ekstensyon ng Martial Law sa Mindanao hanggang December 31, na taliwas sa naunang pahayag na maliit na grupo lamang ang Maute group sa Marawi at magagawang agad na lipulin ng AFP.
Hindi na bago ang pagkontrol ng Malakanyang sa mga mambabatas, sa kongreso man o sa senado. Sinumang pangulo ay madaling nakokontrol ang lehislatura.
Sa paanong paraan? Sa “pork barrel”. Mas malaki kasi sa pondo ng gobyerno ang hawak ng pangulo ng bansa bilang pondong buo-buo (lump sum) at arbitraryong itinatakda (discretionary), na siya namang hinahabol ng mga mambabatas para lumawig at tumibay pa ang paghahari ng kanilang mga dinastiya sa kanya-kanyang mga teritoryo. Sa mata ng mga mambabatas, ang pondong ito mula sa pangulo ang gagamitin nila hindi lamang para sa mga proyektong tatatak sa isipan ng mga botante kundi sa ibayong pagpapalago ng kanilang yaman para lustayin sa susunod na mga halalan.
Hindi nakapagtataka na sa bawat Kongreso, laluna kung magmumula sa ibang partido ang nagwaging pangulo, biglaang nagbabago ang partidong inaaniban ng mga mambabatas, laluna ng mga kongresista. Binubuo ng administrasyon ang koalisyon para sumanib ang iba pag partido (gaya ng “Rainbow Coalition” ni De Venecia sa panahon ni Ramos). Pero hindi nagkakasya rito ang mga mambabatas, sila ay sumasapi sa partido ng administrasyon. Kaya nga nauso ang terminong “balimbing” para sa mga pulitikong ito na palipat-lipat at papalit-palit ng mga partido.
Ganito kasi ang klase ng burges na demokrasya sa Pilipinas. Depormado at atrasado. Hindi totoong umiiral ang “party system”. Ang mga partido sa halalan – bukod sa ilang mga nasa impluwensya ng Kaliwa – ay walang prinsipyo at plataporma. Ang tanging hangad nila ay manalo, kahit sa maruming paraan. At kung matalo man ay makipagkompromiso para tiyaking nababahaginan pa rin sila ng kaban ng bayan.
Ang kaibhan, sa ilalim ng butangero at sangganong pangulo, ang mga depekto ng bulok na klase ng demokrasya sa Pilipinas ay hindi itinatago kundi hayagang ipinagmamalaki. Lantaran ang paniniga ni Speaker Alvarez para manahimik sinumang tututol sa kanila. Tambak din ang boto ng mga trapong sipsip at duwag para paboran ang anumang panukalang batas ng Malakanyang.
Ilusyon ng Pagkakapantay
ng Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura
Ayon sa burges at pormal na pag-aaral, mayroon tayong tatlong saray ng gubyerno na may magkakahiwalay na kapangyarihan ngunit pantay ang importansya bilang haligi ng demokrasya sa bansa: ang ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.
Malayong malayo daw ito sa awtokratikong paghahari ng isang tao, na nagaganap kapag mayroong diktadura at umiral sa panahon ng monarkiya, kung saan ang utos ng hari (o reyna) ay hindi nababali.
Ang totoo, ang kapangyarihan ng burges na estado ay nakakonsentra pa rin sa iisang tao, sa katauhan ng pangulo ng bansa. Kitang-kita ito sa mga panahong namemeligrong bumagsak ang isang gobyerno. Sa isang pampulitikang krisis, may ligal na awtoridad ang pangulo na lusawin ang ibang saray ng gobyerno. Sa ganitong mga kondisyon, sasandig ang presidente bilang “commander-in-chief” sa pwersa ng militar, sa armadong instrumento ng koersyon o panunupil para sumunod ang lahat ng mga mamamayan.
Subalit sa pagsasara ng lehislatura’t hudikatura, hindi nalulusaw ang burges na estado kundi tumitibay at nakokonsolida pa nga para tiyaking nananatili ang dominasyon ng mga naghaharing uri.
Ang kongreso ay nakapailalim sa kapangyarihan ng ehekutibo. Katunayan, anumang batas na mapagkaisahan sa mga bulwagan nito ay maaring i-veto o ipawalang-bisa ng pirma ng pangulo. Sa ating karanasan, sumusunod ang lehislatura sa kumpas ng legislative agenda ng Malakanyang sa bisa ng mga pondong inaalok nito sa kanyang mga kaalyado. Tuwing State of Nation Address o SONA ng pangulo, nagbubukas ang panibagong sesyon ng lehislatura, tinitipon ang mga kinatawan ng kamara at senado para dinggin ang marching orders ng Palasyo.
Kaya sa Marxistang pagsusuri sa estado, sinasabi nating ang burges na demokrasya ay hindi naiiba sa monarkiya ng lipunang pyudal at emperyo ng lipunang alipin. Ang kapangyarihan ay nasa iisang tao. Sa modernong panahon, ang halal na pangulo ay “chief executive officer”, na pangunahing nakasandig sa organisadong pwersa ng panunupil – militar, pulis, kulungan, atbp.
Borloloy lamang ang parlyamento para likhain ang ilusyong may hinalal ng kinatawan ang mga mamamayan sa mga haligi ng kapangyarihan. Subalit ito ay mga bulwagan para sa daldalan ng mga pulitikong sumusunod lamang sa interes ng pangulo at ng mga naghaharing uri sa lipunan.
Kaya nga, sa pananagumpay ng pag-aalsa ng manggagawa’t mamamayan, ang tungkulin ay hindi ang simpleng palitan ng mga kinatawan ang nasa loob ng makinarya ng burges na estado. Wawasakin ito ng rebolusyon at papalitan ng bago. Tungo sa kapulungan ng mga representante ng mayorya sa lipunan, na hindi lamang gumagawa ng batas kundi nagpapatupad nito. #

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento