SI DUTERTE ay hindi lamang “chief executive officer” ng mga kapitalista. Kinakatawan niya ang pinakareaksyonaryong seksyon ng mga naghahari sa bansa – ang mga komersyante at kapitalistang landlord sa kanayunan. Ito ang uring nagrereklamo sa “imperial Manila” at ngayo’y nananawagan ng “pederalismo” upang solohin ang buwis na nakokolekta sa kanya-kanyang teritoryo habang tinitiyak ang habambuhay na paghahari ng kanilang mga angkan sa kanya-kanyang mga kaharian.
Hangad nating makita ng ordinaryong manggagawa ang katotohanan ng makauring karakter ng kasalukuyang estado na mangyayari lamang kung matututo silang kaskasin ang mga pabalat-bunga (gaya ng pagiging bastos, walang modo, sinungaling, butangero, atbp. ng Duterte) at matutong tumanaw sa interes ng mga uri sa lipunan hindi lang sa mga indibidwal na pag-uugali, na kung tutuusi’y kinagigiliwan pa nga ng kanyang milyon-milyong tagahanga sa pag-aakalang senyal ito ng kanyang katapatan at sinseridad.
Para magawa ito, matuto tayong himayin ang mga uri sa lipunang Pilipino, partikular sa iba’t ibang saray ng naghaharing uri, upang mailugar kung kaninong interes ang totoong sinusulong hindi lamang ng isang Rodrigo Duterte kundi kung sino ang dominanteng paksyon ng naghaharing uri na kasalukuyang may-kontrol sa Malakanyang (tingnan ang hiwalay na artikulo: Ang “class analysis” ng lipunang Pilipino mula sa Programa ng PMP).
Tandaan natin na ang pagiging mulat-sa-uri ng manggagawa ay hindi lamang nasa paglawak ng kanyang pananaw mula sa indibidwal na antipara tungo sa komon na interes ng mga tulad niyang walang pag-aari at mabubuhay sa sahurang pang-aalipin. Kasabay nito ay ang pagtanaw niya sa kanyang katunggali – ang mga kapitalista – hindi bilang mga hiwa-hiwalay na indibidwal kundi bilang isang klase ng tao na ang interes sa tubo ay peligro sa kanilang hangaring mabuhay ng mapayapa, masagana at may-dignidad.
Kung gayon, dapat lagpasan ang makitid na kritisismong nakatuon lamang sa mga indibidwal (at sa mga presidente lamang) gaya noong naganap noong Edsa 1986 at Edsa Dos, na mas panawagan ng petiburges na repormismo’t rebolusyonismo at sinasakyan ng karibal na paksyon ng mga naghaharing uri para sa pag-agaw ng estado poder.
Partikular sa Edsa Dos, maagang bahagi pa lamang ay sumali na ang karibal na paksyon ng rehimeng Estrada sa pagpapaigting ng laban para patalsikin ang popular na pangulo. Ito ang grupo ng mga bangkero – ang Makati Business Club (MBC), na katunggali ng mga klase ng negosyanteng nasa likod ni Erap – ang Binondo Central bank, ang mga komersyanteng Instik, at mga warlord/dinastiya sa kanayunan na nagpapatakbo ng jueteng. Sila ang mulat-sa-uring burgesya na nagdududa sa kapasidad ni Erap na panghawakan ang mga gagawing pagbabago sa ekonomya dahil sa kanyang populistang karakter. Inudyukan nila ang pagbaliktad ni Singson at ang pagkipot ng panawagan sa simpleng “Erap Resign” para humalili si dating VP Gloria Arroyo bilang “constitutional successor”, na kumpyansado silang itutuloy ang neoliberal na mga patakarang pang-ekonomya dahil siya ay isang burges na ekonomista.
Sa ngayon, ang seksyong ito (MBC) ng naghaharing uri – na sa nakaraang eleksyon ay hindi kakampi ni Duterte – ay hindi pa agresibo sa pagpapalit ng pangulo ng bansa.
Mas pinagkakaabalahan nila ay ang pagsunggab sa mga oportunidad para sa mabilisang pagkamal ng tubo – ang pagtaas muli ng stock market dahil sa panukalang TRAIN (tax reform for acceleration and inclusion), ang pagkubra sa mga kontrata para maging kasosyo sa mga proyektong pang-imprakstraktura ng “build, build, build”, at ang inaasahang ispekulasyon sa halaga ng lupa bunga ng mga naturang proyekto.
Isang matingkad na halimbawa nito ay ang pagsasama-sama ng Makati Business Club sa Philippine Business for Social Progress at ang Bangsamoro Federal Business Council, para sa mga proyekto para diumano'y i-rebuild ang Marawi. Ito ay hindi pagkakawang-gawa sa ngalan ng “corporate social responsibility” kundi pagmamaneobra para lumikha ng ibayong tubo sa muling pagpapasikad ng negosyo sa nasirang syudad (tingnan sa ibaba ang mula sa news release ng MBC na may titulong “Rebuilding Marawi Together”).
Kaya naman, sa kabila ng walang kaabog-abog na pagpapakita ng pasistang pangil ng mga kampon ni Duterte sa loob ng burukrasya na kinamumuhian ng petiburgesya sa lungsod, at dahil sadyang wala nang tiwala ang taumbayan sa mga “pwersang Dilaw” gaya nina VP Robredo at dating senador De Lima, walang naganap na pampulitikang krisis sa taong 2017.
Nakareserba ito sa susunod pang mga taon depende sa magiging paggalaw ng iba’t ibang uri sa lipunang Pilipino laluna ng uring manggagawa. #

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento