Saligan at Partikular na Mga Tungkulin sa Demokratiko, Anti-Pasista at Anti-Imperyalistang Pakikibaka
SA MGA mga artikulo, naghihimay tayo ng mga uri sa lipunang Pilipino. Sapagkat ang banggaan ng mga interes ng iba’t ibang uri ng tao na may magkakaibang paraan ng pamumuhay, ang siyang motor ng kasaysayan. Sa konteksto ng isa’t kalahating taon ng rehimeng Duterte, matuto tayong manalig sa tunggalian ng uri.
Nasa opensiba ang reaksyonaryong estado. Pumipihit ito tungo sa ganap na absolutismo, sa paglusaw sa iba’t ibang borloloy ng burges na demokrasya. Sa klasikong mga akda ni Marx, tinawag niya ito bilang “perpeksyon ng burges na estado”. Sapagkat ang buod ng estado ng minoryang naghaharing uri – kahit sa panahon ng kapitalismo, at laluna sa isang depormado at atrasadong kapitalistang sistema gaya ng umiiral sa lipunang Pilipino – ay ang ehekutibo at ang mga institusyon ng panunupil tulad ng militar at pulis. Pumapabor ang ganitong klase ng pamumuno sa panahong kumupas na ang kinang ng liberal na demokrasya. Nagsisilbi rin ito sa interes ng lokal at dayuhang kapital at sa paghahari ng mga warlord at pampulitikang angkan sa kanilang mga teritoryo, laluna sa kanayunan.
Ganunpaman, nagsisimula nang maipon ang disgusto’t dismaya ng mamamayang umasa sa “Change is coming”. Kung mayroon man silang nararanasang pagbabago, ito ay lalupang pagdausdos ng kanilang kabuhayan at pag-igting ng karahasan sa mga lugar ng maralita. Naghahanap sila ng kampeon.
Ang dapat na maging talibang mandirigma ng demokrasya ay ang kilusang paggawa. Ang pagpwesto ng kilusang paggawa – gaano man ito pinahina ng globalisasyon sa nagdaang mga taon – ang siyang magpapagalaw sa iba’t ibang uri sa lipunan.
Ito ang magtutulak sa peti-burgesya (at sa mulat-sa-uring seksyon ng burgesya) na pasikarin ang pakikibakang masa. Hindi pa para patalsikin si Duterte kundi upang makapaghapag sila ng repormista, payapa, at maayos na alternatiba, na hindi yayanig sa umiiral na mga relasyong panlipunan at sa kapitalistang sistema, sa kabuuan. Ito rin ang dinamo na magpapagalaw sa Estados Unidos na ganap nang pagpasyahan kung susuportahan o itatakwil nito ang rehimen, gamit ang kanilang mga galamay sa loob ng militar. Isang opsyon nila ang “regime change” na mauuwi sa simpleng pagpapalit lamang ng pangulo nang hindi natitinag ang mga pundasyon ng imperyalista at kapitalistang paghahari sa bansa.
Kung gayon, ang saligang tungkulin ng PMP sa taong 2018 ay ang pagtitiyak na pangunahan ng manggagawa ang demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa pasismo at imperyalismo. Mangangahulugan ito ng sumusunod na partikular na mga tungkulin ngayong taon:
1. Sabayan ang diskurso at mga pagtitipon ukol sa Cha-cha. Ilahad ang ating kritik sa moda ng pagpapalit ng saligang batas, na ito ay hindi demokratiko dahil sa kawalan ng partisipasyon ng taumbayan at sa dominasyon ng mga trapo sa paraang Con-Ass. Ilinaw din ang pagtutol sa nilalaman nito – sa pagkiling nito sa interes ng mga imperyalistang dayuhan, at sa mga pampulitikang mga angkan at mga warlord. Walang sing-inam itong kondisyon para sa malawakang paglilinaw sa nilalaman ng demokratikong minimum na programa. Buong tapang na punahin ang linyang “defend the 1987 Constitution” na pinalulusot ng karibal na paksyon ng mga naghaharing uri sa pagtatangkang ilusot si VP Robredo bilang “constitutional successor”.
2. Ilunsad ang komprehensibong pampulitikang paglalantad sa rehimeng Duterte. Turuan ang taumbayan na singilin kung nasaan na ang pagbabagong ipinangako nito noong halalan, kasabay ng paglilinaw sa klase ng pagbabago na dapat nilang isulong. Ilantad ang makauring katangian ng rehimeng Duterte. Lumagpas sa makitid na pagpuna sa indibidwal na karakter ng sangganong pangulo. Ipakita na ito ay nagsisilbi sa interes ng mga kapitalista’t asendero, sa dayuhang monopolyo, at sa mga pampulitikang mga dinastiya. Ituring ito bilang isang kampanya, na hindi lamang tungkulin ng yunit sa propaganda kundi gawain ng lahat ng yunit ng PMP.
3. Isulong ang pakikibakang masa sa mga pang-ekonomikong isyu gaya ng sahod, pagkontrol sa presyo, progresibong pagbubuwis, panlipunang serbisyo tulad ng mass housing, edukasyon, kalusugan, atbp. Ipaliwanag ang koneksyon nito sa neoliberal na mga patakarang isinusulong ng mga imperyalista sa buong daigdig.
4. Tiyaking huwag masolo ng petiburgesya ang prangkisa sa usapin ng karapatang pantao, laluna sa extrajudicial killing, pasismo, atbp. Gawin nating sukatan ang pagtindig ng manggagawa sa usaping ito bilang tanda ng kanilang pagkawala sa parokyal at sektoralisadong kamulatan at pagkakaorganisa.
5. Bilang teoretikal na proposisyon, ihapag ang “gobyerno ng masa” bilang alternatiba sa elitistang paghahari – sa anyo man ng direktang pasismo ni Duterte o liberal na demokrasya ng mga Aquino.
6. Paunlarin ang mga mapangahas at mapanlikha na mga porma ng pakikibakang masa – laluna sa antas-lokal – na mag-oobligang pag-isipin at tumindig ang malawak na mamamayan, laluna ang industriyal na manggagawa. Tuklasin ang mga nakakaparalisang pagkilos, sa abot ng kanilang makakayanan, para basagin ang takot at katahimikan na nililikha ng mga pasistang pwersa sa lipunan.
7. Pasikarin ang gawain sa pakikipagkaisang-prente. Bigyan ng ispesyal na diin ang pagbubuo ng malawak na pagkakaisa ng kilusang paggawa sa mga usaping pambayan, hindi lamang pang-sektor. Sikapin ito, hindi lamang sa pambansang antas kundi sa antas-teritoryo. Ipagpatuloy at buksan ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-alyansa sa iba pang mga demokratikong pwersa gaya ng mga grupo ng Bangsamoro at sa rebeldeng militar, kung mayroon pa nito.
Ang krusyal na sangkap para magawa ang naturang mga tungkulin ay ang konsistent at planadong “pampulitikang pagsasanay”. Hindi ito pasibong pagsasanay na makukuha lamang sa mga pormal na pag-aaral kundi nasa aktwal na paggampan sa mga gawain. Lahat ng kasapi – laluna ang mga kadre ngunit hanggang sa masang aktibista – ay gawing bihasang propagandista’t ahitador ng ating kritik sa kapitalismo’t imperyalismo, sa bulok na klase ng burges na demokrasya sa bansa, at sa rehimeng Duterte, sa partikular.
Sa tuloy-tuloy na pagsasanay at mulat na paghuhubog sa ating mga sarili bilang mga propesyunal na rebolusyonaryo, ang PMP ay tunay na magiging “taliba ng uri” at ang uring manggagawa ay magiging “taliba ng bayan”.
Manggagawa, pangunahan ang laban sa pasista at kontra-mamamayang rehimeng Duterte. Biguin ang imperyalistang atake sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan. Ipundar ang tunay at totoong demokrasya ng masang anakpawis. #

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento