HIMAYIN ANG SONA 2018: Anong Klaseng Pagbabago ang parating sa Ikatlong Taon ni Duterte?

Sa simula ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Duterte, sinabi niyang mas tumibay daw ang kanyang paninindigan para maghatid ng pagbabago, matapos ang dalawang taong panunungkulan bilang diumano’y “worker of national government”.

Subalit, nanlalansing muli ang sinungaling na si Duterte. Porke’t siya ay may sahod bilang presidente ng republika ay siya na ay isang manggagawa? Hindi ba’t si Henry Sy Sr. (bago nagretiro) ay sumasahod din bilang Chief Executive Officer ng SM? Ang kapal ng mukha at lakas na loob niyang magpakilala bilang manggagawa gayong mayroon siyang kapangyarihan bilang punong ehekutibo na wala ang ordinaryong kawani ng gobyerno. Siya ay hindi manggagawa kundi Chairman of the Board ng kapitalistang estado!

Inagawan man ng eksena ng kudeta ni Gloria Arroyo, bigyan pa rin natin ng atensyon ang kanyang naging talumpati. Himayin natin ang SONA 2018 para makita kung anong klaseng pagbabago ang maasahan ng taumbayan – laluna ng uring manggagawa – mula sa rehimeng Duterte.


Sabi ni Duterte, sa “War on Drugs”

This is why the illegal drugs war will not be sidelined. Instead, it will be as relentless and chilling, if you will, as on the day it began. These drug dealers know fully well that their business is against the law. They know the consequences of their criminal acts, especially when caught in flagrante delicto and they violently resist arrest. They know that illegal drugs waste away lives, dysfunctionalize families, and ruin relationships. They know that once hooked, addicts will die slowly—slow deaths. And yet, they persist in doing what they do, oblivious to the terrible harm that they cause to the people and communities.

Let me begin by putting it bluntly: the war against illegal drugs is far from over. Where before, the war resulted in the seizure of illegal drugs worth millions of pesos, today, they run [into] billions in peso value. I can only shudder at the harm that those drugs could have caused had they reached the streets of every province, city, municipality, barangay and community throughout the country.

And when illegal drug operations turn nasty and bloody, advocates of human rights lash at—and pillory—our law enforcers and this administration to no end. Sadly, I have yet to hear really howls of protest from the human rights advocates and church leaders against drug-lordism, drug dealing and drug pushing as forceful and vociferous as the ones directed against the alleged errant [law] enforcers in the fight against this social scourge.

Sagot ng Manggagawa: Tuloy ang patakaran ng “kill, kill, kill”! Aakyat pa ang bilang ng mga bangkay dahil sa gyera kontra droga (ayon sa PNP noong Hunyo, iniimbistegahan nila ang pagkapaslang ng 22,983 katao na itinuturong may kaugnayan sa krusada laban sa iligal na droga).

Parurusahan daw ni Duterte ang mga nagnenegosyo sa iligal na droga kahit alam nilang nakakasira ito sa buhay ng tao at sa pamayanan. Maghumiyaw daw ang simbahan laban sa salot na ito. At sino nga ba ang mahigit 22,000+ katao na napapatay ng inyong dakilang krusada? Ang mga mahihirap na biktima ng mga negosyanteng ito! Ang taong inyo kamong pinoprotektahan. Hindi ba’t dapat lang kayong kondenahin ang inyong ginagawa?

Sabi ni Duterte sa “human rights”

If you think that I can be dissuaded from continuing this fight because of [your] demonstrations, your protests, which I find, by the way, misdirected, then you got it all wrong. Your concern is human rights, mine is human lives. The lives of our youth are being wasted and families are destroyed, and all because of the chemicals called shabu, cocaine, cannabis, and heroine.

Human rights to me means giving Filipinos, especially those at the society’s fringes, a decent and dignified future through the social and physical infrastructures necessary to better their lives. The lives and freedoms and the hard-earned property of every Filipino whose condition we wish to improve shall be protected from criminals, terrorists, corrupt officials, and traffickers [of] contrabands.

You worry about the present; I am concerned [about] both the present and the future. I worry about the future because I know what crimes can do to the youth of this country. If not stopped, crimes can make human cesspools of succeeding generations. I will not allow it to happen. Not during my term.

Sagot ng Manggagawa: Nais daw proteksyunan ang buhay ng tao. Hindi ba’t ang karapatan – na naipanalo ng mga protesta’t aklasan na tinutuya ng gobyerno – ay para nga proteksyunan ang buhay ng mga mamamayan? Kaya nga, may mga protesta dahil ang inyong gyera kontra droga ay nagbuwis na ng mahigit dalawampung libong buhay (ng halos lahat ay mahihirap)!

Nag-aalala daw siya sa kinabukasan? Ang tanong may kinabukasan pa ba si Kian delos Santos? Wala na! Sapagkat kinitil siya ng inyong kontra-mahirap na krusada. At sino po ang suspek ng taumbayan sa nagaganap na patayan? Ang inyo po mismong kapulisan. Sa Cebu, nang unahan ng mga bodyguard ng pinaghihinalaang druglord, ang naka-riding in tandem na kanilang napatay ay isa pong pulis.

Sabi ni Duterte sa “corruption”:

Time and again, I have stressed that corruption must stop. 

Corruption is like a leech that it bleeds the government of funds programmed for its infrastructure and other social development projects. It saps the morale or the morale of dedicated and honest government workers. 

Corruption destroys those who succumb to its temptation and eventually it is the innocent who will suffer and bear its horrible consequences.

The love of money is corrosive. And sadly, the desire to make the easy kind by being imaginative and manipulative, corrupts absolutely. Stolen wealth does not make the thief respectable. Neither will the trappings of wealth mask [nor] cap the stink that thievery exudes. One day, justice will catch up with those who steal government funds. And when that day comes, it will be the public who will have its retribution.

Sagot ng Manggagawa: “Must stop”, ito rin ang sinabi ninyo tungkol sa salot na kontraktwalisasyon. Ayaw niyo sa korapsyon? Pakitugis po ang nasa Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ayon mismo sa Commission on Audit (COA), anomalyado ang paggastos ng naturang ahensya sa ASEAN Summit 2017. P38.8 milyon ang kwestyonable. Sabi ni PCOO Usec. Noel Puyat (bago siya nagbitiw), 43% na “overbudget” ang P1.4 bilyon na pondo sa ASEAN-Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC). Ang PCOO ay opisina rin ni Mocha Uson (bilang Asec sa sweldong P115,000 kada buwan), na humihingi ng dagdag na P100 milyon sa 2018 budget sa kabila ng kanilang malaswang video para ipopularisa diumano ang pederalismo.

Pakiimbestigahan na din ang P60 milyon na advertisement ng Department of Tourism (DOT) sa programa ng mga nagmamalinis at nagmamatapang na Tulfo brothers. Liban pa po sa P2.5 bilyon na kwestyonableng transaksyon ng DOT sa ilalim ng dati nitong kalihim. Ang DOT rin ang may kaugnayan sa kontrobersyal na P80 milyon na “Buhay Carinderia Project” ng aktor na si Cesar Montano. Si Teo at Montano ay pinagbitiw niyo sa DOT, nang walang asunto. Buti pa ang malapit sa kawali, madaling nakakatakas kapag malaki na ang apoy.


Sabi ni Duterte sa “fired officials, appointments and reappointments”

I have friends and political supporters whom I appointed to public office and then dismissed or caused to resign. I need not mention their names or recount the circumstances surrounding their removal or resignation. Media has more than amply reported that. I value friendship, make no mistake about it. But it has its limits.

Sagot ng Manggagawa: Walang kaibi-kaibigan. Walang kama-kamag-anak. Narinig na po namin yan. Luma at gasgas na tugtugin.

Sabi ni Duterte sa “Bangsamoro Organic Law”

At the end of my term, I hope to see the promise of Mindanao fulfilled, or at the very least, approaching fulfillment.

Despite all that has been said [for] or against the Bangsamoro Organic Law by all sectoral groups, I make this solemn commitment that this administration will never deny our Muslim brothers and sisters the basic legal tools to chart their own destiny within the Constitutional framework of our country.

For as long as I can remember, the bulk of the income generated in Mindanao used to be remitted to what we, in Mindanao, refer [to] as the “Imperial Manila” to fund national projects primarily in the Metro Manila area, leaving a pittance to Mindanao as its share thereof. Mindanao was dubbed as “The Land of Promise,” and Mindanaoans say in derision that this is so because what it got from the government through the years were promises, promises and more promises.

We aim to rectify that derisive observation and, as a matter of fact, we are now in the process of fulfilling that promise through significant increases in the budget for Mindanao.
Be that as it may, Mindanao pauses at the crossroads of history. One road leads to harmony and peace; the other, to war and human suffering.

Sagot ng Manggagawa: Wala pong problema sa reporma para sa pag-unlad ng Mindanao, kung ito ay batas na totoong magbibigay ng boses sa ordinaryong Moro at Lumad at kung ito ay magtitiyak na ang badyet ay mapapakinabangan ng masa, hindi ng mga mayayamang angkan sa naturang rehiyon. Subalit ang hindi po ito mangyayaring lahat. Habang may ekstra-ordinaryong sitwasyon dulot ng inyong Batas Militar, na nagkokonsentra ng kapangyarihan sa mga heneral at sundalo, hindi sa mga ordinaryong sibilyan sa Mindanao. Bawiin niyo po muna ang Martial Law. At  kung kayo ay nagsasabi ng totoo, kilalanin niyo ang pang-aapi sa Bangsa Moro, na ugat ng kaguluhan at armadong rebelyon sa tinaguriang lupang pangako.


Sabi ni Duterte sa “Terrorism”

I have made a pledge that ISIS terrorists or groups or its allies will never gain foothold in our country. Yet, when what remained of the decimated Maute-ISIS group in Marawi finally saw the error of their ways and expressed their desire to be reintegrated into society, we welcomed them with open arms and embarked on genuine efforts to embrace a peaceful, productive life for them. 

We owe it to our fallen soldiers and police officers in Marawi and elsewhere to put an end to the bloodshed and seek the path of true peace—a peace that will last beyond this lifetime, and whose dividends our children will reap.

To me, war is not an option. We have been through the catastrophe in Marawi. We have seen the horror, the devastation, and the human toll and the displacement of both Christians and Muslims alike.

Sagot ng Manggagawa: Hindi niyo po opsyon ang gyera? Hindi po ba’t kayo ang atat na atat na makipagdigma (at nagdeklara pa ng Batas Militar sa buong Mindanao), kahit taliwas ito sa unang pahayag ng AFP na kontrolado na nila ang Maute group? Muli, ang pang-aapi po sa Bangsa Moro ang ugat ng problema sa Mindanao at nakakabingi ang inyong katahimikan sa simpleng katotohanang ito.

Sabi ni Duterte sa “independent foreign policy”

On international relations, we shall continue to assert and pursue an independent foreign policy. Our long-term national development and national security goals come first. We shall continue to reach out to all nations regardless of their prevailing political persuasions or proximity to or distance from our shores so long as these nations wish us well.

Our stronger bonds with our ASEAN friends have made possible our trilateral border patrols with Indonesia and Malaysia, which has since then put out of business sea pirates, piracy and other terrorists who used to infest our shared seas. This is a testament to the readiness of our country and our good neighbors to make regional peace and security our shared responsibility.

Sagot ng Manggagawa: Dapat lamang po na umugnay tayo sa komunidad ng mga bansa, nang walang tinatangi at palagiang kinukunsidera ang ating sariling pag-unlad. Subalit may bansang nagdodomina at may bansang dinodomina. Ang pangunahing imperyalistang bansa na kumokontrol sa ekonomya ng maliliit na nasyon ay ang Estados Unidos. Ang tunay na independyenteng patakarang panlabas ay nakatungtong sa soberanya at kasarinlan at tumutuligsa sa pang-ekonomikong pananakop ng mga bansang gaya ng Amerika. Ang kompetisyon ng Amerika at Tsina, na ngayon ay nag-aanyo na bilang “trade war”, ang siyang nagsisindi sa sigalot sa West Philippine Sea. Dapat malinaw ang ating independyenteng tindig sa nagbabanggaang mga interes. Pero hindi po, hindi niyo ito pinaksa.

Sabi ni Duterte sa ugnayan sa Tsina:

Our re-energized relations with China has also led to an unprecedented level of cooperation between our nations on the war against transnational crimes. Our shared intelligence led to the discovery and dismantling of the clandestine shabu laboratories and the arrest of Chinese chemists [connected] with the Dragon organization called Wu Syndicate. Our improved relationship with China, however, does not mean that we will waver in our commitment to defend our interests in the West Philippine Sea.

Opening lines of communication and amicably managing differences have led to positive developments that include renewed access of Filipino fishermen in the areas in dispute in the Philippines—West Philippine Sea. Participation in the ASEAN-China dialogue has also resulted to the draft framework for the Code of Conduct in the South China Sea which intends to resolve disputes by peaceful means.

Sagot ng Manggagawa: Walang problemang makipag-ugnayan sa Tsina. Subalit nakakamibingi ang iyong pananahimik sa agresibong panghihimasok nito sa teritoryo ng bansa – sa pagtatayo ng mga istraktura sa mga islang pinagtatalunan ng maraming bansa sa Southeast Asia, ang pagpasok ng mga eroplanong pandigma sa Pilipinas, atbp.

Kung ang hanap niyo po ang mapayapang resolusyon sa isyu, ganundin po ang manggagawa, kasama ang sambayanang Pilipino. Subalit isang katrayduran sa ating mga bayani at mga ninuno kung makakamit natin ang diumano’y kapayapaan kapalit ng ating kasarinlan. Maari niyo pong ikatuwiran, ‘eh hindi ko naman sinusuko ang ating soberanya. Ganyan din po ang sabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano, hindi isinusuko (ang claim ng Pilipinas sa nasabing teritoryo), pero isasantabi lang. Iyan po ang inyong alter-ego sa ugnayang panlabas. Isinantabi mo nga, may umagaw naman sa’yo (at hindi ka naman nagrereklamo). Eh di binigay na po yun.


Sabi ni Duterte tungkol sa OFWs 

“This is why we strongly condemn the deaths and abuses experienced by Filipino migrant workers in the hands of their foreign employers. I have said this before and I say it again: I am a worker of government, and it is my vow to make sure that your well-being remains our foremost foreign policy concern. 

It is for this reason that we are continuing to work with the host nations to ensure the welfare of our countrymen. I appeal to all host governments to help us, as true and dependable partners, in this endeavor.

I have always believed that no matter how well-intentioned a leader is, no matter how well-conceived may be his mission, if he lacks the political will to do what needs to be done, then he can only end up a failure and a hopeless dreamer”.

Sagot ng Manggagawa: A worker of government. Iyan na naman po. Nagbabalatkayo kayong manggagawa. Mga kapitalista ang pinagsisilbihan niyo at kayo nga po ay mula sa pagiging burukrata ay naging angkan ng mga negosyante at uring nagmamay-ari sa Davao. Hindi po kayo tulad namin. Walang pag-aari kundi ang aming lakas-paggawa.

Tungkol naman po sa OFW. Ang ating bansa bilang “dependable partner” ng ibang bansa? Ano po bang klaseng partnership ito? Tayo po ay magiging suplayer ng manggagawa sa kanilang bansa habang kailangan lang nilang tiyakin ang kagalingan ng ating mga kababayan.

‘Yan po ang dahilan kung bakit – para sa amin – ang gobyerno niyo (at mga nakaraang administrasyon) ay may ikinukubling “export of labor policy”. Umaasa tayo sa dolyar na pinapadala ng mga OFW para sa kanilang mga pamilya.

Sa ganitong klase ng pag-unlad, walang problema ng bansot ang industriya’t agrikultura na lumilikha ng trabaho. Walang problema kung mababa ang sahod. Walang problema kung kontraktwal ang paggawa. Basta’t ang hindi makatiis ay umalis at maging OFW. Para maging suplayer ng dolyar ng lokal na ekonomya.

Hindi po sapat ang “political will”. Ang hanap po naman ay gobyernong sumasalamin sa interes at kapasyahan (will) ng manggagawa’t mamamayan.

Sabi ni Duterte sa Endo

“That is why I add mine to their voices in asking Congress to pass legislation ending the practice of contractualization once and for all.

Our campaign against Endo has resulted in the regularization of more than 300,000 workers as of early this month. On May 1 of this year, I signed Executive Order 51, which sought to protect the workers right to security of tenure.

Read my lips, I understand that this does not satisfy all sectors. I share their sentiment; I truly do. Much as I would like to do the impossible, that power is not vested upon me by the Constitution. And neither will I make both ends meet even if I violate the laws to achieve that purpose. Simply, it is not part of my territory”.

Sagot ng Manggagawa: Naglaho parang bula ang inyong pangakong “contractualization must stop”. Ngayon nama’y sinasabi niyong hindi niyo kayang gawin yan dahil wala kayong awtoridad. Bakit hindi niyo po maipamalas ang ipinagmamalaki niyong ‘political will’ sa usapin ng kontrakwalisasyon.

Not part of my territory? Bolero. Sabi po ng Article 106 ng Labor Code, may kapangyarihan ang Secretary of Labor na i-prohibit, i-restrain, o i-regulate ang labor contracting. Ilang taon nang puro regulasyon ang ginawa ng DOLE. Hindi ginamit ang kapangyarihang ipagbawal ang pagkokontrata ng trabahong “usually necessary or desirable” sa negosyo ng kapitalista. Ngunit sino po ba ang Secretary of Labor? Siya po ay alter-ego ng pangulo sa mga usapin ng paggawa. Kaya’t kung ang pagbabawal sa labor contracting ay iginawad sa DOLE Secretary. Iyan po ay bahagi din ng inyong kapangyarihan.

Kaya nga ang hiningi ng mga labor groups ay Executive Order para sa pagbabawal ng labor contracting dahil winasak nito ang mga karapatan ng manggagawa, kasama ang karapatan sa pag-uunyon. Dahil sa kontraktwalisasyon, milyon-milyon ang mababa ang sahod at takot na magreklamo dahil kahit anong oras ay maaring i-terminate ang kontrata sa trabaho.

Mismong kayo na po ang umaamin na ang inilabas niyong EO51 (Executive Order 51) ay hindi nakalutas sa problema. Tungkol dun sa 300,000 na naregular. Pahingi po ng listahan. Huwag niyo po kaming bolahin. Dahil ang nakikita namin ay ang pangangalsada at pag-aaklas ng mga manggagawa sa NutriAsia, PLDT, DBSN, Pacific Plaza, atbp. – mga kontraktwal sa iba’t ibang establisyemento na umaasa sa ipinautos ni DOLE Sec. Bello na inspeksyon laban sa labor-only-contracting.  Sa maraming pagkakataon, natuklasan ngang lumabag ang management. Subalit ano ang kanilang ginawa? Tinanggal o nilipat sa agency ang mga dapat ay regular na mga manggagawa!

Ngayon, pinapasa niyo sa kongreso’t senado ang usapin ng kontraktwalisasyon. Umasa kayong sa larangang ito – kahit puro monopolyado ng mga kapitalista – iparirinig namin ang boses at hinaing ng milyon-milyong manggagawa, sa loob o labas man ng kanilang mga bulwagan.


Sabi ni Duterte sa Coconut Farmers’ Trust Fund

“I urge you Congress to convene the [bicameral] conference committee and pass at the soonest possible time the bill establishing the Coconut Farmers’ Trust Fund. I pray that you will do it. Our farmers, especially our coconut farmers, form a significant part of the basic sectors of society. It is from the toil of their hands that we put food on the table. It is my hope that we finally see this through”.

Sagot ng Manggagawa: Imbes na ibigay na lang po sa mga magniniyog ang pondong kinolekta sa kanila ng diktadurang Marcos mula 1973 hanggang 1982.

Ngayo’y pinag-iinteresan muli ng mga bangkero, tulad ng paggamit nito para itayo ang United Coconut Planters Bank (UCPB).

Liban sa UCPB, ang coco levy ay ginamit para itayo ang Coconut Industry Investment Fund (CIIF) na diumano’y pinangangasiwaan ng Department of Agriculture ngunit pinakikinabangan ng iilang kapitalista.

Ang masaklap, ang pondong ito ang pumapatay sa lokal na industriya ng niyog sa pamamagitan ng pag-iimport ng mas murang coconut oil! Kaya naman mas mura ang mantikang imported kaysa sa lokal sa mga merkado. Noong 2011 hanggang 2012, tatlong coconut oil mill na pag-aari ng CIIF (San Pablo Mfg. Corp., Legasapi Oil, Cagayan de Oro Oil Co.) ay nag-import ng 11.71 milyong kilo ng Mitra Palm Oil, na nagkakahalagang P631 milyon! Ang kabuuang importasyon ng mantika (pribado at gobyerno) ay nasa 746.29 milyon mula 2011 hanggang 2012, na nagkakahalagang P28.725 milyon! (Bureau of Customs Statistics).

Parating pinag-iinteresan ang pondong mula sa dugo’t pawis ng magniniyog. Noong nakaraang Hulyo 13, 2018, hinirang ng Palasyo si Rehan Lao bilang presidente ng CIIF-OMG (Coconut Industry Investment Fund-Oil Mills Group (CIIF-OMG).

Sino si Rehan Lao? Siya ang kasalukuyang national president of the Special Assistant to the President (SAP) Movement, na nagsusulong sa kandidatura ni  Bong Go sa pagkasenador. Kasalukuyang may kaso sa ombudsman dahil sa non-declaration ng SALN (gaya ni dating SC chief justice Sereno!). Kayo na po ang magsabi bakit nagbanta ng mass resignation ang buong CIIF Board of Directors sa pag-appoint ninyo kay Lao bilang kanilang presidente. 


Sabi ni Duterte sa 3rd Telco

“A draft Terms of Reference for the entry of a new, major industry player is at hand. The terms will be fair, reasonable and comprehensive. It will be inclusive so it will be open to all interested private parties, both foreign and local. The only condition is that the chosen entity must provide the best possible services at reasonably accessible prices.…

However, our efforts to usher in a new major player shall be rendered futile if we do not improve its odds of success in an industry that has long been dominated by a well-entrenched duopoly”.

Sagot ng Manggagawa: Matagal na nga pong hinihintay yan. Ano po bang kompanya yan? NBN-ZTE ng Tsina?

Sabi ni Duterte sa Boracay

We intend to restore its environmental integrity, alongside measures to alleviate those whose livelihood were momentarily affected. Environmental protection and ensuring the health of our people cannot be overemphasized; thus, our actions in Boracay mark the beginning of a new national effort.

Sagot ng Manggagawa: Hindi niyo po sinagot ang mga kontrobersya sa pagsasara ng Boracay. Gaya ng land grab ng mga negosyante sa lupain ng mga tribo sa naturang isla. Gayundin ang pagtatayo dito ng mega casino ng mga negosyanteng Instik.

Sabi ni Duterte sa National Land Use Act

I therefore urge the Senate to urgently pass the National Land Use Act to put in place a national land use policy that will address our competing land requirements for food, housing, businesses, and environmental conservation. We need to do this now.

Sagot ng Manggagawa: Matagal na rin pong hinihingi ng kilusang paggawa at kilusang bayan ang National Land Use Act. Unahan niyo pong sabihan dito ang mga Villar (pinagmulang angkan ng inyong DPWH Secretary) dahil ang kanyang pamilya po ay nasa likod na kaliwa’t kanang “land grabbing”, kasama ng mga lupaing agrikultural, na isa sa mga dahilan kung bakit nililisan ng ating mga magsasaka’t magbubukid ang agrikultura, kaya’t ang ating bansa ay nag-aangkat na ng mga prutas, gulay, at iba pang agrikultural na produkto.

Sabi ni Duterte sa Disaster Response

Hence, we, in the Cabinet, have approved for immediate endorsement to Congress the passage of a law creating the “Department of Disaster Management,” an inter-agency—just like FEMA. Well, I don’t know if it’s—it’s an effective agency in the United’s government.

To help safeguard the present and the future generations, we have to earnestly undertake initiatives to reduce our vulnerabilities to natural hazards, and bolster our resilience to the impact of natural disasters and climate change.

As I had stated last year, we must learn from the experiences from the Super-typhoon Yolanda, and other mega disasters, and from global best practices. We need a truly empowered department characterized by a unity of command, science-based approach and full-time focus on natural hazards and disasters, and the wherewithal to take charge of the disaster risk reduction; preparedness and response; with better recovery and faster rehabilitation.

Sagot ng Manggagawa: Upang totoo pong matugunan ang global climate change na siyang dahilan kung bakit lumalakas ang mga bagyo’t pag-ulan na nararanasan sa bansa.  Alam niyo dapat ito dahil ang ating bansa ay pumira sa Paris Agreement ng United Nations Framework Convention on Climate Change.

Sa pulong na ito, tinukoy ang pagsusunog ng mga fossil fuel bilang pangunahing dahilan ng global warming. Ang pinakamarumi nga dito ay ang karbon (coal), na iniiwasan na sa buong mundo para magpatakbo ng mga power plant at isinusulong ngayon ang paglipat sa mas malinis na enerhiya mula sa solar at wind.

Subalit sa inyong Executive Order 30, ang mga big-time na proyekto sa enerhiya ay hindi na dadaan sa normal na proseso ng pag-aapruba. Ang inyong target na itayo ang mga coal-fired power plants. Kaya’t sabi mismo ng Asian Development Bank (ADB), na ang Pilipinas magiging pinaka-coal dependent na bansa sa Southeast Asia sa taong 2030. Hanggang 2019, may pinaplanong 5,687.53MW na malilikha mula sa bagong mga planta, kung saan 63% ay mula sa coal-fired power plant, ayon mismo sa Department of Energy.

Sabi ni Duterte sa Mining Industry

“To the mining industry, I say this once again and maybe for the last time, do not destroy the environment or compromise our resources; repair what you have mismanaged. Try to change [your] management radically because this time you will have restrictive policies. The prohibition of open pit mining is one. It is destroying my country. It is destroying the environment. It will destroy the world of tomorrow for our children”.

Sagot ng Manggagawa: Matatapang pong salita. Pero kulang po sa gawa. Ang inyong DENR Secretary na si Frank Cimatu ay hinahayaan ang pagpapatuloy ng mga operasyon ng mga malalaking minero sa kabila ng mga cancellation at suspension order, na pinirmahan ni dating DENR Sec. Gina Lopez.


Sabi ni Duterte sa TRAIN Law

“I applaud Congress for the timely passage of the TRAIN law. You have made funds available to build better roads and bridges, and improve health and education, and strengthen our safety and security. Some have incorrectly blamed our efforts toward a fairer tax system for all the price increases in the past months, and some irresponsibly suggesting to stop TRAIN’s implementation. We cannot and should not. We need this for sustainable growth that leaves no Filipino left behind.

TRAIN is already helping poor families and senior citizens cope up with rising prices. We have distributed unconditional cash transfers to 4 million people, and we will help 6 million more this year.

Following the one-peso discount per liter in gas stations, we have also started releasing fuel vouchers to public utility jeeps and other valid franchises. Further, we have fast-tracked the distribution of NFA rice to provide affordable rice for all. [Excuse me.]

This year, we are giving 149 billion pesos worth of subsidies to the poor and vulnerable. Next year, the amount will be increased to 169 billion pesos”.

Sagot ng Manggagawa: Nanloloko po kayo. Tumaas ang presyo dahil sa oil excise tax ng TRAIN Package 1. Tungkol naman po sa mga subsidyo (unconditional cash transfer, discount sa diesel, voucher sa mga jeepney driver), ipinataw muna ang buwis bago kayo nagkumahog na ibigay ang mga ‘yan.

Sabi niyo nga, “we have also started releasing...” Ipinatupad ang TRAIN Package 1 ng Enero ngunit ngayon lamang kayo nagbibigay ng subsidyo sa mga tsuper (Hulyo). Pitong buwan pong ginisa sa mas mahal na krudo ang kawawang mga drayber at operator ng PUVs, bago ninyo bibigyan ng ayuda (na sa kanila rin po nanggaling).

Minadali ng mga mambabatas ang pagsasabatas at pagpapatupad ng TRAIN Package 1, gaya ng inuutos ninyo,  at kinaligtaan ang magiging epekto nito sa masang mahihirap. Ganito rin malamang ang mangyari sa inyong TRAIN 2.

Sabi ni Duterte sa TRAIN Package 2

“I hope to sign Package 2 before the year ends. I urge Congress to pass it in a form that satisfies our goals and serves the interests of the many, not just the wealthy few.

By the end of July 2018, all 5 packages of my tax reform would have been submitted to Congress. Apart from TRAIN, rice tariffication, and Package 2, they include the mining, alcohol, and tobacco tax increase, reform in property valuation, reform in capital income and financial taxes, and an amnesty program.

Package 2 will lower corporate income taxes, especially for our small businesses. When I ran for public office, I promised to do whatever it takes to give all Filipinos a comfortable life, even if it means fighting powerful interests. I am committed to a comprehensive tax reform, and I ask Congress to continue the job”.

Sagot ng Manggagawa: Ang TRAIN 2 ay para sa mga korporasyon. Ang korporasyon ay hindi tao. Sila ay kumakatawan sa pag-aari ng mga kapitalista. Subalit ikinakanlong niyo sila sa pagbababa ng corporate income tax. Hindi niyo rin po nasabi ang kabilang mukha ng TRAIN 2 – ang pagtatanggal sa mga tax incentives, na babawiin ng mga kapitalista sa pamamagitan ng pagtataas sa presyo ng kanilang produkto.


Sabi ni Duterte sa stabilizing rice prices

“We are also working on long-term solutions. On top of this agenda to lower the price of rice. We need to switch from the current quota system in importing rice to a tariff system where rice can be imported more freely. This will give us additional resources for our farmers, reduce the price of rice by up to 7 pesos per kilo, and lower inflation significantly. I ask Congress to prioritize this crucial reform, which I have certified as urgent today.

To help stabilize rice prices, we also need to address the issue of artificial rice shortage. I now ask all the rice hoarders, cartels and their protectors, you know that I know who you are: stop messing with the people. I hate to… Power sometimes is not a good thing. But I hope I will not have to use it against you.

But no amount of subsidy can help the poor if some businesses take advantage of the situation to make more money. I ask businesses to cooperate with us in charging a fair price.…

Consider yourselves warned; mend your ways now or the full force of the State shall be brought to bear upon you. I am directing all intelligence agencies to unmask the perpetrators of this economic sabotage and our law enforcement agencies to bring them to justice”.

Sagot ng Manggagawa: Pagbabaha ng imported na bigas! Subalit hindi po iyan ang solusyon. Lalabanan lamang po niyan ang mga lokal na agrikultura. Sa halip na pondohan ang modernisasyon ng agrikultura para tumaas ang produktibidad ng ating magsasaka’t magbubukid, at tiyakin na ang kanilang produkto ay dumadating sa merkado at hindi iniimbak ng mga rice hoarder.

Totoong problema po ang pagtaas sa presyo ng bigas. Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas ito ng 24 beses mula Enero hanggang Hunyo 2018. Subalit habang umaangkat ng mas malaking bolyum ng bigas ang NFA (National Food Authority), ito po ay hindi nararamdaman sa mga pamilihan dahil iniimbak din ng mga pribadong kapitalistang may koneksyon sa naturang ahensya. Pinaglaanan na nga pondo ng gobyerno ngunit hindi pa rin namang naibaba ang presyo ng bigas.

At pinagbantaan niyo ang mga hoarder (at mga kakutsaba nila sa gobyerno)! Ganyan din po sa “War on Drugs”. Subalit ang nakatikim ng buong pwersa ng estado ay hindi naman ang mga malalaking isdang inyong pinagbantaan kundi ang mga maliit at mahihirap na mamamayan.

Sabi ni Duterte sa Health care:

“We are currently institutionalizing the unified implementation of the “No Balance Billing Policy” through which the government and our private healthcare providers can work out a system that will provide an order of charging of medical expenses...

One of the most important thrusts of this administration’s medium-term development plan is to cover all Filipinos against financial health risks. That is why I have directed concerned agencies to streamline the various sources of financial assistance for people with health-related needs.

Much needs to be done to improve our health care system, which remains highly fragmented, resulting in disparity in health outcomes between the rich and the poor in the urban areas and rural. While investments in health have increased over the years, several policy and operational bottlenecks have constrained universal health care for this country”.

Sagot ng Manggagawa: Muli, enggrandeng mga salita. Subalit bakit ho sa panukala ninyong badyet sa 2019 ay bumaba ang nakalaang pondo para sa Department of Health (DoH), mula P107 bilyon ay naging P71 bilyon na lamang? Nabawasan ng  P36 bilyon.

Sabi ni Duterte sa Federal constitution

I therefore consider it a distinct honor and privilege to have received earlier from the Consultative Committee that I created, the draft Federal Constitution that will truly embody the ideals and aspirations of all the Filipino people.

I am confident that the Filipino people will stand behind us as we introduce this new fundamental law that will not only strengthen our democratic institutions, but will also create an environment where every Filipino—regardless of social status, religion, or ideology—will have an equal opportunity to grow and create a future that he or she can proudly bequeath to the succeeding generations. 

Sagot ng Manggagawa: Ang Federal Constitution mula sa inyong Consultative Committee, na binubuo ng diumano’y mga eksperto sa mga usaping panlipunan, ay maraming kinuhang mungkahi mula sa kilusang masa at kilusang paggawa. Isa na dito ang prohibisyon sa mga pampulitikang dinastiya at mga angkang nagmomonopolyo sa poder sa isang teritoryo. Lehitimong usapin po ito sapagkat ang bawat pederal na gobyerno ay pinaghaharian ng mga naturang mga mayayamang pamilya (gaya po ng mga Duterte sa Davao).


Subalit sino po ba ang boboto para amyendahan ang Konstitusyon? Ang panukala niyo po ay ang Constituent Assembly – na binubuo ng ating mga magigiting na kongresista’t senador. Nagmula po sila sa tinutukoy naming mga “political dynasty”. Hindi po sila gagawa ng batas na hindi papabor sa kanilang interes. Kaya nga rin po walang “enabling law” para tukuyin kung ano ang “political dynasty” na ipinagbabawal ng kasalukuyang 1987 Constitution. #

Mga Komento